Class 2007. Graduate sa isang university sa Caloocan sa tulong na rin ng scholarship na binigay sa akin ng isang Institution kahit wala na akong mga magulang at kapatid. It has been 3 years pero sariwa pa sa alaala ko. Sabay sabay kami nangarap ng mga college friends ko na maging Certfied Public Accountant. Most of them nagreview sa CPAR pero ako as my personal decision humiwalay ako ng review center. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon mkipagcommunicate sa mga friends ko sa ibang review school during the review period.

Magagaling naman ang mga reviewers namin. Pero naging hassle ang review class ko dahil hindi nasusunod ang subject schedules sa mga araw na nagdaraan. Pakiramdam ko lagi ako naghahabol sa mga topics. Ano pa nga at aking pinagtiisan. Sinabi ko sa sarili ko noon ano pa man eh matatapos din ito. Hindi nawawala sa akin ang pangarap kong pumasa.

Kahit na nagiisa pala sa buhay, nakakaramdam din ng pressure. Mga kaibigan, classmates at idagdag pa jan ang foundation na lagi ako nagrereport about sa status ng review ko. Sila naging source ng pressure. But I used to it. Ginawa ko silang inspirasyon para lalo kong pagbutihin. Hindi naman ako nabigo. Nasuklian ng panandaling tagumpay ang aking pagsisikap. Nagawa kong makapasok sa top 10 sa review school na iyon. Tumataginting na 88%. Sabit sa 10th place hehehe. Tuwang tuwa ako ng matanggap ko letter from one of the big 4 auditing firm. Pero hindi sa lahat ng bagay ay pinalad ako. September ng 2007. Nagstart ako magkagipit gipit. Iyong monthly allowance ko na 3K ay kulang na kulang. Wala akong matakbuhan. Wala naman akong mga gamit na pwede isanla. Hindi ako makahirit sa foundation na bigyan pa ako ng extra allowance dahil nakabudget iyon. Wala na akong maisip na paraan at kahit labag sa loob ko, ibinenta ko iba kong review materials…magkapera lang (isa iyon sa pagkakamaling nagawa ko).

Dumating ang unang araw ng exam. Wala akong pera. Maniwala ka kaibigan, mula sa dormitory ko sa may north avenue, nilakad ko hanggang UE manila makapag take lang ng exam. Pagod na pagod ako noon. Sa exam, naramdaman ko ang kaba na hindi ko naramdaman dati. Pumkit ako sandali at humingi ng tulong sa kanya. Hiniling ko na gabayan nya ako ng panahon na iyon. I feel his prescence pero nagkulang talaga ako sa part ko. Natapos ang first half. Parang gusto ko umiyak sa sobrang kalungkutan. Sa gutom ko pinagtiisan ko isang biscuit. Habang nakikiamoy sa burger, spahetti at chicken joy ng mga kapwa examinees ko. Pero nagpatuloy pa rin ako. Tinapos ko lahat ng exam.

Badtrip. Binigay ko lahat pero hindi umayon sa akin ang araw na iyon. Walang nagtetext. Hindi ko rin nasilayan ang pangalan ko sa list successful examinees. Nalungkot ako ng sobra. Pati ang President ng foundation nalaman na rin ang balita. Pero ano pa man ang dahilan ko, wala na silang pakialam. Hindi ko naman sila kasama sa mga examination days eh. Hindi ko na sinabi mga nangyari at ayaw ko na pagisipan pa ako na nagbibigay ako ng excuses for not passing the exam. Unti unti nakikita kong naglalaho ang sinimulan kong pangarap. Tinalikuran din ako ng mga kaibigan kong pumasa, ng aking secret crush ng tinanong nya ako about sa result ay hindi na nagparamdam kahit kailan. Ang sakit noon. Ang hirap pa makahanap ng trabaho that time. Feeling ko kailangan ko lumuhod at magmakaawa sa mga company inapplyan ko tanggapin lang ako.

December ako pinalad magkawork. Eksaktong araw ng birthday ko noon. Doon ako nabuhayan ng pag-asa. Doon ako nagsimula. Pakiramdam ko bagong ako iyon na pumapasok sa opisinang iyon. Doon ulit ako nangarap.

Lumipas ang 2 dalwang taon at natanggap ako sa isang BPO company. Magandang offer nila at may career development talaga. Nagsimula akong magipon para sa napipintong pagsabak ko ulit sa review. Kahit na gaano na katagal, pakiramdam ko may unfinished business ako with BOA. Lalo na kapag nakakarinig ako ng mga balita ng mga pumapasa sa board exam. How I wish isa na rin ako sa kanila.

October 2010 ng magenrol ako sa CPAR. Nanabik ako sa pagsisimula ng klase. Excited talaga akong maging student ulit at makipagsabayan sa mga high caliber students. Weekend class ako pumapasok dahil may work ako ng weekdays at midshift ako that time (4pm – 1am). Kailangan ko pa rin magwork for my personal expenses. Bagay na kulang sa akin noong first ko nagtake. Mid March 2011, nagresign ako para makapagfocus sa review dahil malapit na ang araw ng exam at alam ko sapat na naipon ko para makapagpatuloy. Mahirap na decision ang ginawa ko lalo na naiisip ko ang tinanggihang promotion. Sabi ko sa sarili ko, ang promotion nanjan lang iyan basta makitang magaling ka mata ng mga employer mo. Pero ang pagiging CPA mabilis na lumilipas kasabay ng mga pagbabago sa topics at standards issue. Magiging mahirap na sa akin ang makahabol. Wala ako sa top 10 ng preboard pero pasok pa rin ako sa top 50. Alam ko sa sarili kong kayang kaya ko na ipasa ang board exam. Napabilib ko rin 2 classmates ko sa review dahil kahit panu sila ay full time reviewees from the start and yet ako lang ang nakapasa sa mga preboard.

May 2011. MAS ang first subject. Favorite ko pa naman. Hindi ko alam pero ibang iba ang feeling compared before noong first take ko. Pakiramdam ko lahat may sagot sa calculator. Hanggang sa P2, kahit nakakatakot sa umpisa natapos ko rin may kapanatagan ang aking loob.

Finally, hindi man ako nakapasok sa top 10, CPA na rin ako. Natupad ko ang aking pangarap.

Sa crush ko back 2007 na nagpaparamdam ngayon, Nabalitaan mo cguro na cpa na rin ako. Ngayon ibabalita ko naman sa iyo na kinasal na ako.

At sa mga reviewees na bumabasa ng kwento kong ito, failure is not the end of everything. We fall… but we rise higher. A saying from my great mentor and please bear this in your heart and mind that
“If you find the questions so easy the others will find it difficult. If you find the questions difficult the others will find it… impossible."

IBZ, thank you for sharing a great story!




Leave a Reply.

    Author

    anyone.everyone.true to life story.inspiring.most are CPA stories.A MUST READ!!!