This is not my story but story of friends who passed the CPA board exam. 

I have six close friends we all graduated March 2006. Three of the six close friends of mine passed on their first take and one of them was pregnant during the review and board exam and her parents did not know it as a matter of fact among us she got the highest rating in the board. 

I worked, went abroad and do so many things trying to forget the tragedy of failing the board exam. One of us who failed the board went abroad to study. The other two took the board again only one passed and the next story he told us is he got his girlfriend pregnant. The one who failed for the second time called me sana di na daw siya nagboard. Sabi ko may next time pa naman, you make a baby na din para next time pasado ka na.

Sabi niya sa akin wala na siyang kasamang magrereview sabi ko naman di naman importante na may kasama tapos sabi niya samahan ko siya sabi ko di kita masasamahan magreview kasi may work ako at ito ang priority ko ngayon wala pa akong planong magreview. 

Honestly that time duda na ako na makakapasa siya kasi alam ko na sa amin talaga pinakamahina siya sa nung nagaaral pa kami. Sabi ko sa kanya di kita masasamahan magreview pero i can devote my sunday to you para masamahan ka kahit sa pagsisimba man lang. Sabi niya sige... Pero di muna siya nagboard kasi magiisip muna daw siya kung talaga meant talaga siyang maging CPA. 

March 2008 nagpaalam ako na magnursing ako sa kanya naengganyo pa siyang sumama sa akin para magenroll. Sabi ko kung di ka sigurado wag ka ng magtuloy ako matagal ko na 'tong pinagisipan. Simula nung nag Finac1 tayo binalak ko na talagang magnursing kaya 'wag kang padalos dalos kung pinayagan lang ako ng parents ko dati di ko na tatapusin ang BSA mag BSN na ako dati pa. 

June 2008 nagenroll ako ng nursing sabi niya magboboard na daw siya sa May 2009. Tinanong niya ko kung pwede ko siyang samahan. sabi ko oo kahit iniisip ko na mahirap talaga samahan siya. Nagsisimba kami kapag linggo kung saan saan tapos lunch then movie after tapos text text kapag gabi na. Tapos 1 week kami di magtext sat night na ulit para sa plano the next day. Kapag napapagod ako sa kakalakad sinasabi ko sa kanya hmmmmmm kung di lang para sa board exam di kita sasamahan. Tapos laging sagot niya napapagod ka na ba? di naman kita pinipilit tapos kapag sinabi kong sige last na ito next week pahinga na tayo tapos tatahimik bahala ka kapag bumagsak ako ikaw ang may kasalanan. Sige samahan kita ulit wag kang magalala. 

December 2008 di na maganda pakiramdam ko gabi pa lang nilalagnat ako pero sinamahan ko pa din siya sabi niya tatag mo pala. Kahit pala nilalagnat ka sasamahan mo ako. Sabi ko pumasa ka lang sa board kaya kapag di ka pumasa makunsensya ka ha. Kapag tatayo di ako makatayo nakatingin pa ang tao sa simbahan tapos sinasabi ko sa kanya hawakan niya ako sa leeg or noo para malaman na may sakit ako sabi niya kahit di kita hawakan mukha kang may sakit namumutla ka tapusin lang natin ito.

Natapos ang misa sabi ko sa kanya lalabas pa ba, sabi niya oo. Sabi ko saan? Sabi niya sa MOA, sabi ko talagang ayaw mo akong pagalingin magtaxi na lang ako pauwi. Relax ka lang sabi niya. Sabi ko magdrive thru ka naman kaya hinto ka sa 7-11 gusto ko ng gatorade. Sabi niya ako na lang bababa sabi ko sige. Bumili din siya ng paracetamol, advil pati loperamide nga eh. Tapos lumiko kami sa Sofitel sabi ko ano tayo? sabi niya kakain lang. tapos nagcheck in kami. hmmmm nahihiya talaga ako sabi ko sa kanya bakit nandito tayo? natawa ang frontdesk sabi niya may voucher ako sayang naman.

noong nandun na kami maraming naglaro sa isip ko magpapabuntis ka ba para pumasa ng board? hehehe pero alam ko na napapamahal na talaga siya akin madalas ko na ding naisip na ligawan kaya lang baka makasira sa pangarap niya. Tapos sabi niya higa ka na sabi ko bakit baka rape mo ko. Magpahinga ka lang tapos sabi niya matulog lang daw ako at nakatulog ako 8pm na ako nagising. umayos naman na ang pakiramdam ko pero weak pa din ako. kumain kami sa baba tapos umakyat na tapos di na kami umuwi di na siya nakapasok wala na din akong pasok. btw sa mga di nakakaalam mag-isa lang ako sa pilipinas kaya yung mga sumunod na okasyon sa kanila ko nag spend pasko, bagong taon pati mga birthday. May summer class ang nursing, kaya nung board niya busy din ako. Narelease ang board nakapasa siya. btw, girlfriend ko na siya after nung board. at nakapasa siya ng hindi siya buntis.

Eto ang kwento ko, pinakilala ko na siya sa parents ko at gustong gusto siya ng parents ko for me kung kakasal daw kami wala ng intindihin mamili daw siya ng simbahan sabi naman niya hinatyin ko pong makagraduate si ___ para okay ang lahat. Sa susunod ako naman ang magboard.


Thank you for sharing Bankereconomist.




Leave a Reply.

    Author

    anyone.everyone.true to life story.inspiring.most are CPA stories.A MUST READ!!!