Mediocre student lang ako non. At medyo wala din akong background sa accounting, sabi lang nila okay daw, kaya ni-take ko. Bait din ata ng erpat ko sabi ko kasi gusto kong maging pulis, ayaw, NBI na lang daw at pwede daw CPA dun  

Freshman pa lang, frustrating na.. most of my classmates may pre-accounting nung HS, so huli na ko kagad. Pero feelingera ako, so sabi ko keri ko yan. Fundac 1 pa lang, badtrip na saken prof ko kasi nahuli niya naguusap kami nung katabi ko, pero mas badtrip ako sa kanya kasi ako lang ang pinagalitan niya, diba por que ba di ako mukhang studious? 
. At yun nga dahil di na namin feel ang isa't isa, yun ang pinakamababa kong grade sa buong buhay ko. Hirap pa, kasi ang daming kelangan i-maintain sa accountancy. Pero ayos pa din, napasa ko naman lahat ng exams at namaintain ko naman lahat ng dapat i-maintain (pati ang ganda. lol). 

Nung nakapasa ako, mas madami ata nagulat 
 Yung prof ko nung nakita ako sa dinner for the passers, kung sigurado daw ba ako (pero joke lang naman, na half-meant).  Yung tsismosa din naming kapitbahay, tsinismis pa yung nanay nong kaklase ko, nagtataka din daw dahil lagi daw akong absent sa review school (hindi to totoo, nagweekends kasi ako dahil hindi ko kaya ang sobrang aga at araw araw na pasok, magastos at nakakatamad sa layo). 

Nagaaral talaga ako, di lang obvious. At nagdadasal din, di nga lang din siguro obvious pero si Mother of Perpetual Help ang hiningan ko ng tulong, so every wednesday asa baclaran ako non. Nahilingan ko na kasi si St. Jude nung gusto ko magkaBF 
 (joke) nung qualifying exams. Pero nagkaBF din ako niyan, but that's another story na. 

Sorry napahaba, pero ang point ko kaya ko din nabanggit yung college life ko, wag niyong hayaang idikta ng iba ang kakayahan niyo. Kayo ang nakakaalam niyan. At wag niyong hayaang i-down kayo ng iba. Wag pa-pressure. Maswerte din ako kasi hindi ako nagkamali ng piniling review center, yung kakulangan ng inspirasyon ko sa mga teachers ko sa undergrad, nakita ko ng sobra sa review school. ReSA nga pala ako. Yun lang. God bless sa takers.. 


Rainame, thank you!!!!!




Leave a Reply.

    Author

    anyone.everyone.true to life story.inspiring.most are CPA stories.A MUST READ!!!